P*TA KA DIN! ISMAYYYYL.. c:

Hulyo 23, 2009
Hindi pa rin pala ako tinitigilan nung taong to. PART 1 at PART 2
Nagkoment siya sa sa isang blog ko.
Sabi niya, pati ba naman daw selpown ng tatay ko pinapakialaman ko. PUTA daw ako.
Hindi ko talaga maintindihan bakit napaka-init ng dugo sakin ng taong yun.
E ubod naman ng duwag.
Nagtatago sa email address na serpentine_fire.
Syet naman, ilang buwan na lumilipas.
Ang dami ng nangyari at nagbago sa buhay ko, pero ikaw SF , binibinyagan na kita ngayon bilang SF, e wala pa rin pinagbago.
Oh well, kung sino ka man, MOVE ON.
Hindi kita kilala. O kung kilala man kita, e nakakaawa ka naman.
Ang saya saya ng buhay e pinapakumplikado mo.
Natatawa din nga ako sakanya minamahal kong mga kaibigan sa multiply, kasi, galit na galit siya sakin pero, magmula friendster hanggang wordpress ko e sinusundan niya ako.
Para lang ano?
Mura-murahin at sabihan ng PUTA, PUTA, PUTA!
SF, hindi lang ikaw ang unang nagsabi na PUTA ako.
Kaya kahit ilang beses mo yang sabihin o ikoment sa blog ko e wa-EPEK.
At wala kang pakialam kung pakialamanan ko selpown ng tatay ko kasi tatay ko yun.
Hindi naman selpown mo pinapakialaman ko kaya magtigil ka.
Isa pa, maglablayp ka na lang, baka sakaling mawala galit mo sakin at mapalitan ng wagas na pag-ibig.
Yun lang!
P.S.
PUTA ka din!

Hindi pa rin pala ako tinitigilan nung taong to.

Nagkoment siya sa sa isang blog ko.

Sabi niya, pati ba naman daw selpown ng tatay ko pinapakialaman ko. PUTA daw ako.

Hindi ko talaga maintindihan bakit napaka-init ng dugo sakin ng taong yun.

E ubod naman ng duwag.

Nagtatago sa email address na serpentine_fire.

Syet naman, ilang buwan na lumilipas.

Ang dami ng nangyari at nagbago sa buhay ko, pero ikaw SF , binibinyagan na kita ngayon bilang SF, e wala pa rin pinagbago.

Oh well, kung sino ka man, MOVE ON.

Hindi kita kilala. O kung kilala man kita, e nakakaawa ka naman.

Ang saya saya ng buhay e pinapakumplikado mo.

Natatawa din nga ako sakanya minamahal kong mga kaibigan sa wordpress, kasi, galit na galit siya sakin pero, magmula friendster hanggang wordpress ko e sinusundan niya ako.

Para lang ano?

Mura-murahin at sabihan ng PUTA, PUTA, PUTA!

SF, hindi lang ikaw ang unang nagsabi na PUTA ako.

Kaya kahit ilang beses mo yang sabihin o ikoment sa blog ko e wa-EPEK.

At wala kang pakialam kung pakialamanan ko selpown ng tatay ko kasi tatay ko yun.

Hindi naman selpown mo pinapakialaman ko kaya magtigil ka.

Isa pa, maglablayp ka na lang, baka sakaling mawala galit mo sakin at mapalitan ng wagas na pag-ibig.

Yun lang!

P.S.

PUTA ka din! :)


TULONG.

Hulyo 11, 2009

Nagbasa ako ng INBOX ni Papa.

Naiwan kasi niya yung selpown niya dito sa kwarto ko.
Bumigat tuloy yung loob ko.
Paano, may mga nabasa akong text galing dun sa asawa nung trabahador namin na naaksidente dito sa bahay nung isang araw.
Kelangan daw ng gamot, kelangan daw ng ganito ganyan.
Puta, isang gamot, 1,400 ang isa?!
Apat ang kelangan ngayong araw.
Magkano na yun diba?
Hindi pa kasama yung ibang mga gamot at pambayad sa araw araw nilang pag-stay dun sa ospital.
Naaawa naman ako sakanya e.
Alam kong hindi madali yung pinagdadaanan niya ngayon.
Ako ba naman makuryente diba?
Pati yung paghihirap ng pamilya niya, ramdam ko.
Pero, hindi naman pwede na lahat ng pera ng pamilya namin e sakanila lang mapupunta.
Hindi lang naman yun yung problema ng pamilya namin.
Anong gusto nila, mamatay din kami sa gutom?
O, malubog sa utang?
Huminto ako sa pag-aaral at ibenta lahat ng mga gamit namin para lang matustusan yung pangangailangan nila?
AKSIDENTE yun. Dapat sana, gumagawa din sila ng paraan.
Hindi porket labas ng labas ng pera yung mga magulang ko, ganun-ganun na lang.
Hindi kami mayaman.
Gipit din kami.
Paano na yun?
Hindi naman namin kasalanan yung nangyari.
Wala namang may gusto nun.
Hindi ko maintindihan bakit kelangan lahat e sagot namin.
Tangina.
Nahihirapan din ako.
Hirap na hirap na yung mga magulang ko.


OO, dahil dun.

Hulyo 8, 2009

At dahil uminom ako kagabi kasama ang aking mga natatanging kaibigang lalake, alas-dos na ako nakauwi.

At dahil kay MJ at sa kanyang MJ’s Memorial, paguwi ko ng alas-dos, hindi pa ako nakatulog agad.
Syempre, nakikiuso ako’t kelangan updated ako sa mga ganung bagay.
Alas kwatro na ata ako nahiga at dahil doon, hindi ko narinig yung alarm clock ko na sa totoo lang, wala talagang silbi sa buhay ko.
Ihahatid sana ako ng kuya ko sa ABC 5 para sa OJT ko kaso may kelangan siya puntahan ng alas-onse.
At dahil dun, nagpasya ako na after lunch na lang pumunta sa ABC 5.
Ang saya talaga ng sistema ko. Waw.

MY PERS, GREAT LAB

Hulyo 5, 2009

Masyado pa akong bata, pero tingin ko sa sarili ko marami na akong alam at hindi na ako bata tulad ng tingin nila.

Marami akong kaibigan, pero mas pinili ko ng sumama sa mga mabubuti at maka-Diyos.
Hindi na ako ginagabi sa kalsada at nakatambay.
GInagabi na ako dahil sa pagsamba.
May mga iilan akong kabigan sa simbahan, mga kaedaran ko din.
Doon din ako nag-aaral. Isang Christian academy.
Sa lugar na yun, tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon.
Isang hapon ko siya nakilala.
Parang naging slowmo ang tagpo.
At sa mga oras na yun, ginusto ko na siya.
Gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako.
Sa bubong ng iskul at simbahan, doon siya nalalagi.
Nung nalaman ko yun, pumupunta na din ako dun parati.
Hindi niya ako pinapansin pero alam ko napapansin niya ako.
Pinakilala siya sakin ng pormal. Sa wakas, alam na din niya ang pangalan ko.
Nagsimula na kami magsulatan at nagkkwentuhan na din ‘pag nasa bubong.
Hinahatid na din niya ako sa bahay at dinadalaw parati sa iskul pagkatapos ng klase niya.
Sobrang saya ko ‘pag kasama ko siya.
Hindi ko mapaliwanag. Nagkaroon ng ibang kulay yung mundo kong itim noon.
Patago lang kami mag-usap at magbigayan ng sulat.
Bawal kasi. Magagalit yung mga matatanda sa simbahan.
Pero, wala namang bagay na maitatago talaga.
Nalaman na nila kung ano kami.
Pero, ang totoo, wala namang kami.
Ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko siya at inaalagaan niya ako.
Wala kaming nagawa, kailangan namin lumayo sa isa’t isa.
Masakit, mahirap.
Sa unang pagkakataon ng pagtibok ng puso ko, bawal pa.
Paglipas ng tatlong taon, naging kami ulit.
Mahal pa namin ang isa’t isa. At mas minahal pa.
Pero nagkahiwalay kami ulit sa pangalawang pagkakataon.
Minahal ko pa rin siya kahit magkalayo na kami.
Pinapangarap ko pa din siyang makasama.
Umaasa pa din na sana, sa huli, kami pa din.
Pero, ang katotohanan talaga sa buhay, lahat nagbabago.
Pati emosyon ng tao.
Ngayon, mabuti kaming magkaibgan.
Hanggang doon na lang.
Pero, masaya ako kasi kahit sampung taon ng nakararaan, andyan pa din siya, andito pa din ako para sakanya.

Para Sayo, na susunod kong mamahalin.

Hunyo 27, 2009

Para Sayo,

Siguro, nagkasalubong na tayo sa kahit saan. Baka, nagkabanggaan na tayo kung saan man. Nagsalubong na siguro ang mga mata natin. Baka ikaw yung katabi kong lalaki sa dyip, o kasunod na bumili ng ticket sa LRT/MRT.  Pwede din na nasa kabilang table ka lang habang kumakain ako ng fries at Mcfloat kasama ang mga kaibigan ko.  Maaaring nakita mo na ako na mag-isang naglalaro ng arcade sa Quantum. Nakita na siguro kita na tumitingin ng damit sa mall. Baka ikaw yung lalaki na dumaan sa harap ko habang nagbabasa ako ng libro sa NBS. Siguro, maraming pagkakataon na nagtagpo ang mga landas natin.

At ngayon, hinihintay ko yung sandali na makilala na natin ang isa’t isa. Hindi man ikaw yung unang lalaki na minahal ko, hindi man ikaw yung unang nagpakilig sakin o unang nagalaga ng puso ko, pero kung darating ka man ngayon, gagawin ko lahat para maging ikaw na ang huli.

Marami na akong natutunan sa lahat ng nangyari sa buhay ko. At yung mga pagkakamali ko noon, hindi ko na gagawin pa sayo.

Mamahalin kita, aalagaan sa pamamaraang alam ko. Iingatan ko ang puso mo. At magmula sa araw na ‘to, nasasabik na ako para sayo.

–Isabell


tears, no.

Hunyo 27, 2009

Someday, someone is going to thank you for letting me go.

–4:14am


This is for me.

Hunyo 27, 2009

UU8sftjMcout3edvQDzTNXm1o1_500

This is for me.. :(


AYOKO NG MAGING OPTION

Hunyo 26, 2009

May nag-text sakin ngayon lang. Tinatanong kung gising pa ako. Nagulat ako kasi matagal tagal din niya akong hindi tinext o pni-pm sa YM.

Kaya nireplyan ko siya agad ng, “Yes, y?” Akala ko naman kung anong meron.
Na-trigger lang ako magsulat dahil sa reply niya.
Sabi niya, “Walang maka-text e. Panu mag-unli sa globe?”
Parang kagabi, may nag-pm sakin sa YM, sabi, “walang maka-chat e.”
Parang nung nakaraang buwan nang may nagpatawag sakin sa telepono.
Akala ko naman kung anong problema.
Ang sabi niya, “Walang makausap e.”

Nakakainis na. Ayoko na. Lagi na lang ba akong option?
Kapag wala silang maka-text, walang maka-chat o walang makausap sa telepono, at saka lang nila ako maaalala.
O kaya, kapag galit sila ng gelpren nila. O kaya naman, kapag tulog na yung gelpren nila.
O out of town yung gelpren nila. Makikipagkita sakin, para ano?
Option na naman.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa yun pero, parang hindi naman dapat.

Kelan ba ako magiging choice talaga?
Nakakasawa na.
Hindi ako pampalipas oras.
Hindi ako parausan, okay?


Gusto ko lang magmahal.

Hunyo 24, 2009

Kaya ko naman magmahal. Kaya ko namang umunawa. Kaya kong ibigay lahat ng pwede. Kaya kong maging tao na nararapat para sa taong mahal ko, at minamahal ako.

Pero, hindi ko maintindihan na sa tuwing ibinibigay ko lahat, sa huli, iniiwan pa din ako. Sa tuwing nagmamahal ako ng totoo, nawawala din sa buhay ko. Hindi ko matanggap na palagi na lang ganun yung nangyayari. Paulit-ulit na lang.

Kung kailan binago ko lahat, kung kailan isinakripisyo ko ang mga bagay na ang hirap tanggalin sa sistema ko, wala pa ding nangyari.

Gusto ko lang naman magmahal. At mahalin din, ng totoo.

Yun lang naman yung talagang inaasam ko. Ayoko na ng fling. Ayoko na ng trip. Ayoko na ng short time.

Gusto ko na ng pang-matagalan. Gusto ko na ng tunay. Gusto ko lang magmahal. Gusto ko lang, maging masaya..


POM, please?

Hunyo 22, 2009

Leche! Leche! Leche talaga!
Eto na naman yung problema ko. Bumabalik na naman!
Wala namang problema sana nung bakasyon e.
Pero kasi, may pasok na at nahihirapan ako matulog tulad ng dati pa.
Hindi ko na alam gagawin ko.
Nagpapatay na ako ng ilaw kahit takot ako sa dilim.
Pinapagod ko na yung sarili ko.
Umiyak na ako’t lahat, dilat pa din ang mga mata ko.
Nakainom na ng beer, gising na gising pa din.
Bumyahe na ng malayo, aba, wala pa rin.
Ano ba talaga dapat kong gawin?
Nahihirapan na ako. OJT na namin. Hindi pwedeng ganito.
Kelangan ko ng PEACE OF MIND.
Wala bang pwedeng magregalo sakin?


Inlab? NO WAY!

Hunyo 19, 2009

Wala na naman talaga kami pakialam sa isa’t isa. Wala na siya. Natuluyan na. Kagagahan ko din kasi. Butinga sakin.

Kaso, may problema ako. Hindi siya nawawala sa isip ko. Bukambibig ko siya. “JASON, JASON, JASON..” Puro JASON. Syet diba? Hindi pwede. Napaka-unfair nun. Hindi ko na siya dapat naiisip. Hindi na dapat ako napapangiti ‘pag naalala ko siya. Isang malaking syet yun.

Para kasing, hinahanap siya ng puso ko. Hindi ko mapaliwanag e. Parang.. Parang.. ayoko…na…mawala siya.

Pero, wala na. Huli na lahat e. At hindi sa pagkakataong ito na aamin ako na inlab ako sakanya. NO WAY!!! Hindi ako inlab sakanya. Hindi ko siya mahal. At hindi ko siya pwedeng mahalin kasi, kung mangyayari yun, para akong nagmamahal ng kathang-isip lang.

Basta, hindi. Hindi talaga.


AN ANGEL & A DEVIL

Hunyo 17, 2009

Nalulungkot ako. Bakit kasi ang tao, pinipilit pa din ang sarili niya sa isang tao na hindi naman siya gusto? Sana, yung mga nagmamahal satin, sila na lang din yung mahal natin.

Sumuko na ako. Pero, hindi ko pa din matiis na walang marinig mula sakanya. Para akong gaga. Hindi naman kami. Walang kami. Hindi niya ako gusto. Ni wala nga siyang pakialam sakin. Pero, bakit ganun, hindi pa rin siya nawawala sa isip ko.

Parang napaglalaruan yung nararamdaman ko. Kagabi lang, masaya akong natulog dahil nag-goodnight siya. Hindi naman niya kasi normal yun kaya natuwa ako. Pero ngayong araw, ni hindi man lang niya ako binigyan ng pansin.

Nararamdaman ko namang wala na e. Hindi ko din maintindihan kung bakit hinahanap siya ng puso ko.  Masaya ako kapag naiisip ko siya. Natutuwa ako. Ginugusto ko siyang makasama. Kahit hindi pwede. Kahit ayaw niya.

Haay. Matutulog na naman akong malungkot. Sana na lang, masaya akong gigising.


AKO AY,ANO?

Hunyo 11, 2009

Habang nang-iistok ako sa peyborit celeb ko ngayon, bigla akong nalungkot. Siguro, dahil lang sa electricfan ko na umiikot. Parang nakakalungkot, ang tahimik pa, tapos yung hangin lang ng fan yung naririnig ko. Pero, naabutan ko na lang yung sarili ko na hinananap siya sa prenster prends ko at tinignan yung mga pichurs niya.

Meron kasing lalaki sa buhay ko ngayon. Siya yung pinaka-malapit sa bilog ng buhay ko. Pero, ang daming problema. Hindi kami nagkikita. Hindi din kami nakakapag-usap. Puro teks at chat lang. Minsan, lumilipas din yung araw na kahit teks o chat e wala, tulad ngayon. Sa buong April at May, dalawang beses lang kami nagkita, may kasama pang iba. Madalas, hindi pa kami nagkakaintindihan.

Sobrang magkaiba kasi kami.

Ang dami niyang ayaw sakin. Halos lahat ata. Lagi din siyang galit sakin. O badtrip o madaling mapikon. Ako, ngayon lang ako tinrato ng lalaking gusto ko na tulad ng ginagawa niya. Hindi niya ako inaalagaan. Wala siyang pakialam sakin, ata? Lagi niya ako inaaway. Hindi siya sweeeeeet! Hindi ko maramdaman na gusto din niya ako. O baka, hindi nga talaga.

Pinaka-masama, nung berdey ko, pina-iyak niya ako. Hindi niya yun alam. Kasi,hindi kami magkasama. Hindi niya din pinag-handaan yung araw ko. Hindi niya ako pinuntahan. :(

Sinabi ko sa sarili ko na yung berdey ko yung sign kung talagang may posibilidad kami. Pero, sa ginawa niya o dahil wala siyang ginawa, sobrang nalungkot ako. Sumama yung loob ko, umiyak ako.

Pero, hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi siya nawawala sa isip ko. At ‘pag naiisip ko siya, napapangiti ako.


HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

Hunyo 9, 2009

06/09/09

Hoping for a miracle today.


AYOKO SA DILIM

Hunyo 8, 2009

PICT4207

Habang kumakain ako ng hapunan sa baba, biglang namatay yung ilaw.
Nag-panic ako agad. Tumingin ako sa buong bahay, patay lahat ng ilaw.
Brown-out pala. Akala ko, may mga mumu na nang-ttrip sakin kasi, mag-aalas-tres ng madaling araw.
Tinawag ko agad si papa. Hindi ako mapakali sa hagdan habang inaantay siya.
Sobrang natatakot talaga ako.
Nung inabutan na niya ako ng flashlight, bumalik ako sa kusina para ubusin yung pagkain ko.
Kaso, lecheng ipis yun, nag-take advantage sa pangyayari para sumawsaw sa pagkain ko.
Ayun, tinapon ko na lang yung natira, sabay inom ng tubig.
Sa kwarto ko, nilagay ko yung kandila sa daspan na maliit at ipinatong ko sa upuan ko.
Paglipas ng 20min, may ilaw na ulit.:)



HURT

Hunyo 8, 2009

This song’s really beautiful! Bet, it’ll move you guys.

I hurt myself today
To see if I still feel
I focus on the pain
The only thing that’s real
The needle tears a hole
The old familiar sting
Try to kill it all away
But I remember everything

What have I become
My sweetest friend
Everyone I know goes away
In the end
And you could have it all
My empire of dirt
I will let you down
I will make you hurt

I wear this crown of thorns
Upon my liar’s chair
Full of broken thoughts
I cannot repair
Beneath the stains of time
The feelings disappear
You are someone else
I am still right here

What have I become
My sweetest friend
Everyone I know goes away
In the end
And you could have it all
My empire of dirt
I will let you down
I will make you hurt

If I could start again
A million miles away
I would keep myself
I would find a way

http://www.youtube.com/watch?v=SmVAWKfJ4Go&feature=related


ANO, MASAYA KA NA?

Hunyo 7, 2009

Masyado ata talaga ako mahal ng mundong ‘to. Akalain mong pinaiyak pa ako ilang araw bago yung araw ko. Leche. Nasasakal na ako.

Sana maging masaya ka na, kung sino ka mang sumumpa para hindi ako maging maligaya buong buhay ko. Itong araw na nga lang yung hinihiling ko e. Isang araw na maging masaya at makalaya man lang kahit papaano sa sakit na binibigay ng mundong ‘to. Isang araw katumbas ng isang buong taon na pagpapaiyak at pananakit sakin. Hindi pa mangyayari.

Oo, sa araw ko, mag-isa na lang ako. Gustuhin ko man na may kasama. Kaso, may pahabol pa na syet e. Ang totoo, alam ko naman na yung gusto kong kasama e napipilitan lang na samahan ako. Naaawa sakin. Masyado kasi ako madrama at ako na ata yung pinaka-emo na nakilala niya. No choice naman siya. Kaya, sige, pumayag siya na samahan ako. Kaso, sa kabilang banda, paano ako magiging masaya kung yung kasama ko e ayaw ako kasama?

Ngayon lang din ako magbbirthday na parang wala lang. Siguro nasanay lang ako na may isang tao na ginagawa ang lahat para maging masaya ako sa araw ko. Nasanay ako sa “surprise!”. Nasanay ako sa super special day.

At ngayon, sige, nakapag-desisyon na ako. Mag-s-solo na lang ako sa araw ko. Ang saya saya.


gloomy-days-before-birthday syndrome.

Hunyo 7, 2009

Actually, I’m not so happy when I wake up this morning. I mean, my morning. Woke up at around 2pm. Too early than my usual waking hour. I also, had a hard time sleeping this morning.

While browsing my playlist, my topak attacks again. Sometimes, I love it. But more often than not, I despise it. I think, I have this gloomy-days-before-birthday syndrome. To be sooo emo before my birthday. I started to notice it several years ago.

Oh well, I really hope this won’t last long. I don’t wanna kill my moment of happiness for the past weeks either.


CLOSER

Hunyo 7, 2009

Kapag tinawag mo na ako sa tunay kong pangalan,

matatakot na ako sayo. :)


SABAY-SABAY

Hunyo 5, 2009

Syet. Tinotopak na naman ako. 

Bigla na naman akong nalungkot. Leche kasing ulan ‘to. Sabayan pa ng malakas na hangin. Nakakadagdag sa pagkalumbay ng mga tao.

Medyo dumami na naman yung iniisip ko. Nalalapit kong birthday, na kailangan nga ata akong operahan, pera, siya, kung ano ba talaga kami.

Ayoko ng maging malungkot na naman sa araw ko. Nung nakaraang taon, naghanda ako at nagpainom ng bonggang bongga sa mga natatangi kong kaibigan. Pero, isang araw bago talaga yung berdey ko. Kasi, may inaasahan akong tao nung mga panahon na iyon. Yung ex ko.:D Dumating naman siya sa bahay nung berdey ko talaga. Me dalang peyborit keyk ko. Me nakalagay pa na, “happy birthday baby!”. Aww. Ke sweet diba.. Bumili pa kami ng icecream na peyborit ko din. Nanood kami dvd sa bahay. Nagluto ng peyborit pasta namin. Pero, ni hindi man lang ako ngumiti. At oo, sana, hindi na siya pumunta.

Nag-pacheck-up ako kahapon. Ayos naman daw sabi nung duktor pero kailangan pa din daw ako talagang operahan. Medyo kabado ako. Natatakot. Hay.

Pera.. kailangan ko ng pera. Marami akong kailangan bilhin at pagkagastusan. Kapag wala ako nakuhang pera, hindi tuloy lahat ng mga plano ko. At badtrip na ako buong taon.

Siya? Hmm, siya.. Yung “HAPPY THOUGHT” ko nga. Dalawang buwan na rin pala kaming nagaasaran, nagtatalo, nag-aaway, naglalabing paminsan. Dalawang buwan na rin pala akong nangangapa kung anu ba talaga kami. At kung may pag-asa ba talaga na maging kami. Malaya siyang umalis kahit kailan. Pero, kulang na ako. Iba na din ‘pag nawala siya.

Hay. Ulan, malakas na hangin, sana lang may maitulong kayo sa mga iniisip ko.