Habang nang-iistok ako sa peyborit celeb ko ngayon, bigla akong nalungkot. Siguro, dahil lang sa electricfan ko na umiikot. Parang nakakalungkot, ang tahimik pa, tapos yung hangin lang ng fan yung naririnig ko. Pero, naabutan ko na lang yung sarili ko na hinananap siya sa prenster prends ko at tinignan yung mga pichurs niya.
Meron kasing lalaki sa buhay ko ngayon. Siya yung pinaka-malapit sa bilog ng buhay ko. Pero, ang daming problema. Hindi kami nagkikita. Hindi din kami nakakapag-usap. Puro teks at chat lang. Minsan, lumilipas din yung araw na kahit teks o chat e wala, tulad ngayon. Sa buong April at May, dalawang beses lang kami nagkita, may kasama pang iba. Madalas, hindi pa kami nagkakaintindihan.
Sobrang magkaiba kasi kami.
Ang dami niyang ayaw sakin. Halos lahat ata. Lagi din siyang galit sakin. O badtrip o madaling mapikon. Ako, ngayon lang ako tinrato ng lalaking gusto ko na tulad ng ginagawa niya. Hindi niya ako inaalagaan. Wala siyang pakialam sakin, ata? Lagi niya ako inaaway. Hindi siya sweeeeeet! Hindi ko maramdaman na gusto din niya ako. O baka, hindi nga talaga.
Pinaka-masama, nung berdey ko, pina-iyak niya ako. Hindi niya yun alam. Kasi,hindi kami magkasama. Hindi niya din pinag-handaan yung araw ko. Hindi niya ako pinuntahan.
Sinabi ko sa sarili ko na yung berdey ko yung sign kung talagang may posibilidad kami. Pero, sa ginawa niya o dahil wala siyang ginawa, sobrang nalungkot ako. Sumama yung loob ko, umiyak ako.
Pero, hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi siya nawawala sa isip ko. At ‘pag naiisip ko siya, napapangiti ako.
Tags: hurt, ishda's lablayp, know ishda, love, lovelife


Hunyo 14, 2009 Sa 3:02 hapon
Mahal na mahal mo sya no?
pero kung ganyan pa rin ang trato nya sayo
hanggang ngayon, baka
oras na para unti-unting bawasan ang nararamdaman mo
sa kanya. Pag maslalo kasing tumagal pa
ang ganyan, mas masakit at masmahihirapan ka lang.
marami dyan na handang mahalin ka, hindi mo lang pinapansin.
Good luck isabell!
Hunyo 14, 2009 Sa 3:12 hapon
hindi ko pa ata siya mahal..
isa pa, kahapon, sumuko na ako sakanya..
senti much tuloy ako ngayon. haha.
oo, marami naman akong kaibigan..
andyan pa pamilya ko..
ayos na din.